farkhell

  


”Revenge ni Ms. Chubby”

 

                                                                                     By: Kristelle Shaine Rubi / farkhell 


Chapter Uno

 

“Okey trainees, break muna kayo. Hay naku, ang lulungkot ng mukha niyo”. Natatawang saad 

ng  platoon leader ng mga Rovers ng ROTC. Sabado na naman at bilang mga mag-aaral 

ng unang taon sa kolehiyo ay tungkulin nila na umattend sa kanilang NSTP.

“Haiz, buti nalang at break na, kung hindi ay baka hihimatayin na ako maya- maya lang” naiinis na sabi ni Kristina Sophia Rubi a.k.a Kris.  Hindi pa rin niya matanggap tanggap na sa ROTC siya nasadlak, paano eh may katabaan siya.

 

Natawa nalang ang mga kaibigan niyang sina Alicia Marie Alquizar at Dainielle Josenilla.“Ikaw talagang babae ka, hindi kapa nasanay, eh halos walong buwan na tayong nagsasanay sa ROTC. Maya- maya lang eh graduate na tayo ”, natatawa pa ring saad ni Alicia Marie. “Hmpp…kung di ko lang alam, eh kating- kati kanang umuwi dahil gusto mo nang makita ang crush mong si Edward!”. Tudyo naman ni Dainielle sa kaibigan.Alam niyang namimiss na ng kaibigan ang matagal na nitong gusto na si Edward. Kwento nga sa kanila ni Kristina Sophia na sampung taon na raw itong may gusto sa lalaki. At bilib rin naman sila dito dahil hindi pa rin ito sumusuko sa pagtangi nito sa iniirog.

 

“Tama ka friend! Haizt bakit ba dito pa ako nag enroll? Know what? Untill now naiinis ako  sa sarili ko!” nakasimangot na saad ni Kris sa mga kaibigan. Ewan niya kung bakit sa dinami- dami ng kolehiyo sa buong Negros ay sa CHMSC- Talisay pa siya nag enroll, malayo tuloy siya sa mga mahal niya sa buhay.

 

 

“Trainees FORM!!!!!” narinig ng magkakaibigan na sigaw ng platoon leader nila. Dali- dali na silang pumunta sa mga hanay nila

oOo

 

 

Chapter Dos

 

“O, bakit parang malungkot ka ata Kris?”, nagtatakang tanong ni Alicia sa kaibigan. Hindi siya sanay na nakikita ang kaibigan na malungkot, at nag aalala siya para dito.

 

 

“Huh…uh eh..w-wala to”, nakayukong pahayag ni Kris sa kaibigan. Nahihiya siyang aminin dito ang realisasyon niya kani-kanina lang. Bigla niya kasing naisip na sampung taon na pala siyang lihim na umaasa na tugunin ni Edward ang kanyang nararamdaman para dito. At parang bigla siyang nahiya sa kanyang sarili, naisip niyang sobra naman niyang kapal dahil patuloy pa rin siyang umaasa dito kahit ilang beses na siyang pinamumukha nito na hinding- hindi ito magkakagusto sa kanya. At alam na alam naman niya kung ano ang dahilan nito, syempre ayaw nitong pumatol sa kanya dahil mataba siya.

 

 

“Wala raw, eh bakit sambakol yang mukha mo?”,pilit na pangungubinsi ni Alicia kay Kris. More or else, alam niya namang si Edward ang pinuproblema ng kaibigan. “ eh ala--”.

 

 

 

“Wala nga, promise!, halika na nga malelate na tayo, may quiz pa naman tayo kay Miss Patria.” Pambabara ni Kris sa sasabihin pa sana ng kaibigan. Ayaw niyang maawa ito sa kanya ng dahil lang sa isang lalaking manhid.

 

 

 

For now, kakalimutan niya muna ang problema niya, ayaw muna niyang mag isip ng masasakit na katotohanan. She’s here to study and not to problem her romance life.

 

 

 

“Haizt,  mabuti sana kung may mahanap na akong kapalit niya dito sa puso ko, nang sa gayon ay hindi na ako nasasaktan ”, himutok ni Kris sa sarili.

oOo

 

 

Chapter Tres

 

 

“Naku po late na ko, kainis naman, pagagalitan ako tiyak nito”, nangangambang saad ni Kris sa sarili. Nagmamadaling tumalilis siya papuntang room nila, nang sa di inaasahan ay nabunggo siya ng isa niyang kamag aral na nagmamadali rin ata.

 

 

 

“Ano ba!!, tingnan mo naman yong dinadaanan mo!, nagmamadali na nga tong tao eh inaabala mo pa!”, galit na saad ni Kris sa estudyante. At saka tumakbo, hindi na nya magawang pakinggan ang paliwanag nito dahil talagang huling-huli na siya sa klase.

 

 

 

“Good morning Miss!”, kinakabahang bati ni Kris sa kanilang guro.Sana naman ay huwag na siya nitong sabunin, sirang- sira nakasi talaga ang araw niya.

 

 

 

“Okey, good morning too, next time Miss. Rubi come early”, nakangiting tugon ng kaniyang guro.At saka bumalik na ito sa leksyong tinuturo.

 

 

 

“Oi, bakit parang hindi ata nagalit si Miss dahil late ako? Dati- rati ay halos maubos niya ang buong period natin sa pagsesermon niya sa mga late?”,nagtatakang tanong ni Kris kay Dainielle.

 

 

 

“Eh paano, inlove kasi si Miss, kaya ganyan yan. Nagtaka nga rin kami kanina eh kuntodo ngiti niya sa amin pagpasok, tapos nalaman naming sila na  pala ng first love niya at magpapakasal na ata sila, kinilig nga kaming lahat eh. Sana nga araw- araw siyang ganyan”, kinikilig namang sagot ni Dainielle sa tanong niya.

 

 

 

Kibit balikat lang ang isinagot ni Kris sa sinabi ni Dainielle. Nang bigla siyang natigilan, mabuti pa ang guro nila nakatuluyan nito ang first love nito, samantalang heto siya patuloy pa ring namumroblema kung paano makuha ang atensiyon ni Edward.

 

 

 

“Kung makakakita lang sana ako ng bagong mamahalin”, pabuntung-hiningang saad ni Kris sa sarili. Pagkatapos ay bigla niyang naalala ang lalaking nakabunggo sa kanya kanina, sa totoo lang cute ito, kaya lang eh naunahan na siya ng inis kanina kaya nabara niya ito.

 

 

 

“Pwede na rin”, nakangiting saad ni Kris sa sarili. Ang problema na lang eh kung saan niya ito mahahanap. Ang laki pa naman ng CHMSC. “Haizt, buhay, parang life ka talaga!”, naiiling na sabi niya sa sarili.

 

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­ oOo

 

Chapter Kwatro

 

“Huh, siya yun!”,mulagat na saad ni Kris sa sarili ng makita ang lalaking nakabunggo sa kanya ng nakaraang araw. Kasalukuyan itong nakaupo sa isang mesa sa loob ng canteen. “Dapat siguro akong humingi ng tawad dun sa tao, naging mean ata ako sa kanya kahapon”, saad ni Kris sa sarili.

 

 

 

“Hi!Pwede ka bang makausap sandali?”, kinakabahang tanong ni Kris sa lalaki. Nangangamba siyang baka hindi siya nito patawarin at mapahiya lang siya.

 

 

 

Kunot- noong napabaling ng tingin ang lalaki  ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran, at halos nadoble ang kunot na iyon ng mamukhaan ang babaeng nabunggo nya kahapon, na hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya.”YES?”,sagot niya dito.

 

 

 

“Uh..eh, hihingi sana ako ng paumanhin sa pambabara ko sa iyo kahapon at sa hindi narin pakikinig sa paliwanag mo, late na kasi talaga kahapon kaya nagmamadali talaga ako, pasensiya na talaga huh.”, nahihiyang paliwanag ni Kris sa lalaki.

 

 

“Alam mo bang napahiya ako kahapon dahil sayo?”, nakatiim-bagang sagot ng lalaki kay Kriz. Maganda pa naman sana ito, kaso lang ubod naman ng suplada.

 

 

 

“Kaya nga humihingi ako sayo ng paumanhin, patawarin mo na ako”,nakayukong tugon ni Kriz sa galit na kausap.Para yatang nanlaki ang ulo niya sa gulat sa paraan ng pagtugon nito sa kanya. Hindi niya akalaing ito pa ang may galit sa kanya gayong ito naman ang may kasalanan.

 

 

 

Napansin niyang bigla ring natigilan ang lalaki sa sagot niya. Sa loob niya, eh ano ngayon kung galit at hindi siya patawarin ng lalaki? Unang- una sa lahat hindi naman niya kasalanan kung tanga ito kaya nabunggo siya nito. Siya na nga itong nagpakumbabang humingi ng tawad, ito pa ang may ganang maninghal sa kanya. Tumalikod siya at akmang aalis na ng bigla siyang tawagin nito.

 

 

 

“Sandali lang, pasensiya na dahil nasinghalan kita”, hinging paumanhin ng lalaki sa kay Kris.

 

 

 

“O sige, okey na tayo, mauna na ko”, sagot naman ng dalaga sa binata. Inis na siya rito at gusto na niyang umalis sa harap nito, di bale na kung guwapo ito, ano ngayon? Inisip nalang niyang kailangang maging loyal siya kay Edward.

 

 

“Teka lang! Ako nga pala si Miguel Angelo, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”, nagpapaawang samo ng lalaki kay Kris.

 

 

 

“I’m Kristina Sophia, okey bye, mauna na ko sayo, pasensiya na kailangan ko na talaga kasing magmadali.”, nagkukumahog na saad ni Kris sa kausap.

 

 

 

“O sige, ingat ka!, sana magkita tayo ulit sa mga susunod na araw”, nanghihinayang na tugon ni Mike sa dalagang kakakilala palang. Napansin niyang kahit may katabaan ito, nagtataglay naman ito ng maamong mukha. Nahiling nalang niya sa sarili na hindi iyon ang una at huli nilang pagkikita. He’s looking forward na makilala pa ito ng mabuti. The girl caught something in his attention. Gusto niya itong makilala ng mas malalim pa. He notice a sense of pain on Kris’ eyes, and he intended to know it, he wants to help the girl to rid that emotion.

 

­­­­­­­­­­­­­­ oOo

 

 

 

Chapter Singko

 

 

“Gurl, nabalitaan mo ba ang plano ng mga officer ng ROTC?”, excited na tanong ni Alicia kay Kris. She heard that there will be a three- day training for all ROTC- Rover in which they belong. Hindi pama’y alam niyang maiinis na naman ang kaibigan sa matutuklasan. Halos every Saturday kasi ay whole day na ang trianing nila.

 

 

 

“O, bakit? Ano na naman ba ang plano nila para mas lalo tayong mahirapan?”Nayayamot na tanong ni Kris sa excited na kaibigan.

 

 

 

“Magkakaroon raw tayo ng three- day training. Balita ko nga ay may meeting tayo sa Wednesday!”, nakatawang saad ni Alicia , base sa pagkakakunot- noo ng kaibigan ay masasabi niyang totoo nga ang kanyang hinala.

 

 

 

“Ah ewan! Ayaw kong mamrublema ngayon!” naiinis na bulyaw ni Kris sa kaibigan, alam niyang tinutukso na naman siya  nito , alam naman kasi nito na naiinis siya tuwing ang kanilang ROTC ang pinag uusapan.Tumalikod nalang siya at nagpasyang pumunta sa kanyang tambayan, sa bench na nasa gilid lang ng CE building.

 

 

 

“Haizt, kainis naman oh…I hate this life!!!!!” naiinis na bulong ni Kris sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang pwede niyang gawin upang mapawi ang nararamdamang inis.

 

 

 

She sat there, still thinking what to do. Mabuti nalang at walang mga estudyante roon sa mga panahong iyon. She enjoyed the silence and serenity of the place. Kahit gaano kabigat ang problema, napapawi lahat ng iyon sa tuwing naroon siya. All she wish is that what ever hindrances she had to face in the future, ay malampasan niyang lahat. Life is indeed so complex. “Kahit anong mangyari I have to face it all with strenght!”Pinal niyang desisyon sa sarili.

 

oOo

Chapter Sais

 

­­­­­­

“So,ano? Okey na ba?”, tanong ng platoon leader sa lahat ng Rover. Kasalukuyan silang nasa ROTC office at nagpupulong tungkol sa mga mangyayari sa kanilang three- day training. “Nailista niyo na ba ang mga kakailanganin niyong dalhin?” dagdag pang tanong nito.

 

 

“Opo!”, panabay na tugon ng mga trainees. They are all excited for the said training, except lang siguro kay Kris. She had this sad aura, drawn in her face since at the beginning of their meeting.

 

 

“Ah..ewan,,,kainis naman oh” naibulong ni Kris sa sarili. Kahit ano yata ang gawin niya, ay hindi pa rin katanggap tanggap para sa kanya ang mangyayari. Nilibot niya ang paningin sa mga kasamahan, nakakahiya mang aminin pero iilan palang sa mga ito ang kilala niya, halos karamihan sa mga iyon ay hindi niya alam kung sino.

 

 

Napaigtad na lang siya ng mamataan ang isang lalaking nakaupo sa tabi at nakatingin rin sa kanya, bakit hindi’y iyon rin ang lalaking nakabunggo sa kanya. Nagulat siya dahil halos hindi niya akalain na ROVER rin pala ito. Agad siyang nagbawi ng tingin at umastang kinakausap si Alicia.

 

 

“Hmmmmm….mukhang mag e-enjy na ata ako sa training….”, naisaloob ni Kris sa sarili. Nakakahiya mang aminin pero nagka- crush na siya dito unang beses palang niya itong nakita.

 

 

“Okey, the meeting is adjourned!”, nakangiting bulalas ng kanilang platoon leader. Kahit ito man ay lihim ring nasasabik sa kanilang training.

oOo

 

 

Chapter Syete

 

 

Ikalawang araw ng training, at hindi nagkamali si Kris ng sapantaha, nag enjoy nga siya sa kanilang training, panu eh andun din ang crush niya. At sobrang excited na siya para bukas, mag wa-water safety kasi sila sa huling araw ng training nila.

 

 

Pakiramdam niya habang tumatagal ay lumalakas ang pagkakagusto niya dito. Gusto niya itong maging BF, kaya lang hindi niya alam kung papano.

 

 

Well, she’s quite happy now kasi pakiramdam niya ay magagawa niya nang kalimutan si Edward. Ayaw niya namang magmukhang tanga habang buhay noh.

 

 

Kasalukuyan ay acceptance na nila, dahil sa wakas ay tapos na ang three- day training nila. At hindi nagkamali si Kris, talagang nag enjoy siya, kaya nga lang ay nakaramdam siya ng panghihinayang, pano isa’t kalahating buwan nalang pala silang magkakasama. Halos na ka-close pa naman niya lahat ng kasamahan at nagkaroon pa siya nang crush pero sa tingin niya ay huli na ang lahat kasi di magtatagal ay maghihiwalay-hiwalay rin sila.

 

 

She just hope na may kasunod pa na story sa kanilang dalawa ni Miguel Angelo.Nalaman niyang mabait naman ito at saka gentleman pa, mga katagniang hianahanap niya sa isang lalaki.

 

oOo

 

 

 

 

Chapter Nueve

 

Naglalakad si Kris pauwing bording house niya ng mamataan niya si Miguel Angelo, at halos madurog ang puso niya ng salubungin ito ng isang babae ng mahigpit na yakap, at sinuman ang makakita nito ay natitiyak nila na hindi lang magkaibigan ang dalawa.

 

 

 

Nagpatuloy si Kris sa paglakad at ni hindi niya matingnan ang dalawa, at dahil hindi siya nakatingin ay hindi niya nakita nang mapagawi ng tingin si Miguel sa kanya at bahagyang natigilan na bigla rin naman na palitan ng matamis na ngiti sa mga labi. Di paman ay alam na nitong nagselos si Kris sa nakita.

 

 

 

Padarang na binuksan ni Kris ang pintuan at nagmamadaling pumasok sa loob, kasabay ang pagtulo ng masaganang luha sa magkabilang mata. Hindi niya inaasahan na masasaktan siya sa nasaksihan, pakiramdam niya ay doble pa ang sakit na nararamdaman niya sa kasalukuyan kumpara sa sakit na naramdaman niya noon ng tanggihan siya ni Edward.

 

 

 

Dumapa siya sa kama at doon umiyak ng umiyak upang ibuhos ang lahat ng hinanakit at sama ng loob niya sa mga oras na iyon. Di niya lubos maisip kung bakit parating siya na lang ang nasasaktan, kung bakit siya ang parating iniiwan at higit sa lahat kung bakit lahat ng minamahal niya ay nawawala.

 

 

 

Ayaw na niyang maramdaman pa iyon, ayaw na niyang maramdaman na palagi nalang siyang iniitsapwera, ayaw na niyang maranasang paulit-ulit na mabigo at higit sa lahat ayaw na niyang maubos ang lahat ng luha niya para sa mga taong ni hindi man lang marunong magpahalaga sa kanya.

 

 

 

Alam niya sa sarili niya na ginawa niya ang lahat ng makakaya upang huwag siyang basta nalang balewalain ng mga mahal niya. Pero kahit anong gawin niya, walang silbi ang lahat ng mga iyon, ewan niya kung bakit patuloy siyang umaasa kahit alam niyang walang katuturan ang lahat ng iyon.

 

 

 

“Hindi na dapat magpatuloy pa ito, hindi ako makakapayag na ako nalang palagi. Wala silang karapatan na iparamdam sa akin to!”, naghihimagsik na saad ni Kris sa sarili.

 

oOo

 

Chapter Dyes

 

 

 

 

Mula noon palagi na lang tahimik si Kris. Biglang nawala ang paggiging masayahin nito. Unti- unti rin nitong nilalayo ang loob sa mga kaibigan. Palaging nasa isip nito na iiwan din siya ng mga ito, kaya mas mabutin pang mas maaga palang ay siya na ang lumayo. Kapansin-pansin din ang unti- unti niyang pag payat.

 

 

 

Lumipas ang ilang buwan, at tapos na sila sa una nilang taon sa koliheyo. Ilang buwan na lang at nasa ikalawang taon na sila. Halos lahat ng kaklase niya ay napapansin ang biglang pagbabago ni Kris.

 

 

 

 

Pagkatapos ng ilang buwan ay pasukan na naman. At kasabay ng masasayang batian at kamustahan ay ang pagtataka kung bakit hindi pa nila nakita si Kris. Kahit paano ay na miss rin nila ang paggiging masayahin at paggiging reklamador nito.

 

 

 

Nagulat nalang sila pagkalipas ng isang linggo ng bagong Kris ang nakita nila. Sexy na ito at lalong gumanda, lahat sila ay nagtaka kung ano ang dahilan at binago ni Kris ang sarili. Halata din nila na hindi na ito tulad ng dati, hindi na ito palabati at wala na ang matamis na ngiti na palaging naka pinta sa maamo nitong mukha. Halos di na nila ito kilala, iba na ito, di na ito si Kris na minahal nila.

oOo

 

 

Chapter Onse

 

 

 

“Sandali lang Kris, pwede ba kitang maimbitahang kumain sa labas?”, kabadong pahabol na tanong ni Miguel kay Kris. Nagbabakasaling syang tatanggapin nito ang panyaya niya., marami na siyang naririnig na masasamang usap- usapin tungkol dito. Sabi nila nagbago na raw ito, pero hindi naman siya naniniwala, unless, mapatunayan niya mismo.

 

 

 

 

“Ayoko, marami pa akong kailangang gawin.” Walang kiyeming tugon ni Kris. Pero sa toto lang ang bilis- bilis ng pintig ng puso niya. Kahit nagbago na siya, hindi niya basta- basta maisasawalang bahala ang damdamin niya para dito. Oo tama, hindi lang basta- basta simpleng crush lang ang nararamdaman niya para dito, mahal na niya ito.

 

 

 

Malungkot  na tumango nalang si Miguel dito. Wala siyang magagawa kung ayaw talaga nito. Lukot ang mukhang tumalikod sa akmang aalis.

 

 

 

“Sandali, mamayang 2:00 pwede ako.”, pahabol na saad ni Kris dito. Ewan niya pero ng makita niya ang lugong- lugo nitong mukha ay may kung anong umutos sa kanya na tawagin ito.

 

 

 

Maaliwalas ang mukhang lumingon ito sa kanya, at kitang- kita niya ang malapad na ngiti na nakalarawan sa gwapo nitong mukha. Kahit paano ay gumaan ang loob niya. Ang problema nalang niya ay ang pagsira sa pangako niyang di na ito pansinin.

 

 

 

“Salamat Kris, hinding- hindi mo pagsisisihan to. Susunduin nalang kita mamaya sa room niyo.” Nakangiting tugon ni Miguel kay Kris.

 

 

 

 

“Wag na, magkita nalang tayo sa gate.” Nakangiti nang saad ni Kris kay Miguel. At saka tumalikod upang pumunta na klase niya.

 

 

oOo

Chapter Dose

 

 

 

 

Exactly 1: 40 ay nasa gate na si Miguel, excited na siya sa date nila ni Kris.  Napakalapad ng ngiting naka pinta sa maamo nitong mukha. At exactly  namang 2:00 ay dumating si Kris. Sinuri niya ito habang papalapit ito sa kanya. Kamangha- mangha talaga kung paano ito nag transform sa paggiging sexy ngayon. May lihim siyang damdamin para dito. Kahit nun pamang mataba ito ay may crush na siya dito.

 

 

 

“O, bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” nagtatakang tanong ni Kris kay Miguel, paano eh nakatulala ito sa kanya. At lihim siyang kinikilig.

 

 

 

Una’y namasyal muna sila sa mall, maya- maya ay nagyaya na itong kumain. Sa isang mamahaling fastfood chain sa loob ng mall siya dinala ni Miguel. Habang kumakain ay panay ang kuwento ni Miguel samantalang mataman lang na nakikinig si Kris. Kahit paano’y nag enjoy siya sa date nila.

 

 

 

“Kris, puwede ba akong magtanong?” maya-maya’y saad ni Miguel

 

 

“Ano naman iyon?” hindi niya alam kung bakit pero bigla nalang lumakas ang tibok ng suwail niyang puso.

 

 

 

“Uhm..a-ano kasi…..uhmm…m-may boyfriend kana ba?” nahihiyang tanong ni Miguel sa dalaga. Plano niya na kasing magtapat dito.”Kung di mo lang masasamain pero kung ayaw mong sagutin okey lang.”

 

 

 

“Wala, bakit mo naman naitanong?”nagtatakang saad ni Kris.

 

 

“Uhmm….p-puwede ba akong manligaw sa iyo?” kinakabahang saad ni Miguel.

 

 

 

“Huh???-------a e-eh,,,,,sige, okey lang sakin. Pero diba may gf kana?” tugon niya dito.

 

 

 

 

“Ah eh, wala akong gf.”saad ni Miguel.

 

 

 

“Anong wala, eh nakita kaya kita noon, may kayakap na baba---- ” biglang putol ni Kris sa sasabihin pa sana,patay nadulas siya dito, ano nalang ang iisipin nito, na binabantayan ko siya? Nakakahiya talaga.

 

 

 

“Huh…hindi, kaibigan ko lang yon, tibo kaya yon di lang halata.”nakangiting paliwanag ni Miguel sa dalaga. Ngayon alam niya na nga totoo nga ang hinala niya noon na nagselos ito sa nakitang pagyakap sa kanya ng kaibigan.

 

 

 

“Hindi ako naniniwala, eh ang ganda ganda kaya nun.”, nakangusong saad ni Kris. Hindi niya malilimutan ang mukha ng babaing sumalubong dito ng yakap.

 

 

 

Kinuha ni Miguel ang cellphone nito at may tinawagan,pagkadaka’y binigay nito iyon sa kanya, “Oh, ayan si Jean yan, siya na ang bahalang magpaliwanag sa iyo.”

 

 

 

“Hello?”, nanginginig ang boses sa sabi  ni Kris sa kabilang linya.

 

 

 

“Hi Kris, totoo ang sabi ni Mike, magkaibigan lang talaga kami noh, di ako pumapatol  sa mga lalaki at isa pa may nobya na kaya ako”, sunod- sunod na litanya ni Jean sa kabilang linya. Alam niya na nililigawan ng matalik na kaibigan ang dalaga, kalimita’y sa kanya ito palagi humihingi ng mga advice kung paano sisimulang manligaw kay Kris.

 

 

 

“Huh, sige salamat Jean”, tarantang pahayag ni Kris kay Jean, sabay bigay ng cp kay Miguel. Alam niya namumula na siya , paano’y kilig na kilig na siya kanina pa. Naisip niya napakatanga pala niya, hinusgahan niya na kaagad si Miguel.

 

 

 

 

“Salamat best huh, oh sige paalam na”, nakangiting paalam ng binata sa kausap sabay baling ng paningin kay Kris.”Oh ano? Naniniwala ka na ba?”

 

 

“Uh..e-eh, oo na ,naniniwala na po ako sa iyo…” nakangiti namang pahayag ni Kris sa kausap.

 

 

 

“So ano, pwede  na ba akong manligaw sa iyo?”nakangiting tanong ni Miguel kay Kris. Ang mga mata niya ay may halong panunudyo.

 

 

 

“Huh?, a eh..s-sige na nga..”, nahihiyang saad ni Kris kay Miguel, hiling nalang niya ay hindi nito mahalata ang kaunting pag stammer ng boses niya.

 

 

 

Chapter Trese

 

 

Simula noon naging saksi ang mga classmate nila kung gaano ka pursigido si Miguel sa  panliligaw kay Kris. At mula ng ma realized ni Kris ang pagkakamali niya ay bumalik na siya sa dati niyang katauhan. Palagi na siyang nakangiti at nakipaglapit siya ulit sa mga dati niyang mga kaibigan. Nag-iyakan pa nga silang talto nina Alicia Marie at Dainielle. At may nadagdag pa sa kanilang grupo, sina Cassey Yanson, Althea Orlido at Sylvia Villanueva. Mga transferee sila at  mababait naman, kaya nag click agad silang lima.

 

 

 

 

Hanggang sa dumating ang araw na pinaka-aasam ni Miguel Angelo, ang araw kung saan tinanggap ni Kristina Sophia ang kanyang pagsinta dito. Lahat ay saksi kung paano nagaing makulay ang mundo ng magkasintahan. Marami din naman ang naiingit sa ika nga nila’y perfect couple. Kung minsan ay nag-aaway din naman sila, pero ang maganda sa kanila ay hindi nila hinahayaang umabot sa isang oras ang di nila pagkakasunduan.

oOo

Chapter Katorse

 

Kasalukuyang naka upo si  Kris sa bench, hinihintay niya ang kasintahan. May usapan kasi sila na sabay nang mag recess.

 

 

 

“Hi!, uhm pwede bang magtanong?”.Napalingon naman si Kris ng biglang may magsalita sa likuran niya, at nakita niya na isang magandang dalaga ang nagtatanong sa kaniya. Nagtaka naman si Kris, kahit napakaraming estudyante sa paaralan nila natitiyak niyang ang kaharap ay hindi doon nag-aaral.

 

 

 

“Ah, yes, ano yun?”, tugon ni Kris. Na se-sense niya na suplada ang babae. Paano ba naman ito na nga ang  magtatanong eh para pang ito ang galit.

 

 

 

“Uhm, saan ba banda dito ang room 108?” tanong nito sa kanya.

 

 

 

“Uh doon banda”, at tsaka tinuro niya dito ang nasabing silid. Doon din kasi ang klase ni Miguel eh. And speaking of Miguel, palabas na ito sa room at patungo na sa kaniya.

 

 

 

“Uh, sige”, at tsaka sinundan nito ng tingin ang tinurong silid ng dalaga.”Teka si Miguel Angelo na yun uh”,saad ng dalaga sa sarili, sabay baling ng tingin sa pinagtanungan, “Sige huh, salamat”.

 

 

 

At tsaka lumakad na ito pasalubong kay Miguel. “Miguel!”, malakas na tawag nito kay Miguel.

 

 

 

Ngitla naman si Kris. Hindi niya inaasahan na ang kasintahan pala niya ang hinahanap ng dalaga. May kung anong bumangon sa dib- dib niya, kaba, inis, galit at selos. Ano kaya ni Miguel ang dalaga. Ngayon lang niya ito nakita at tiyak niyang hindi to isa sa mga kaibigan ni Miguel, kilala niya lahat ang mga iyon at close na siya sa mga ito

 

 

 

Binaling ulit ni Kris ang paningin sa kanila nu Miguel, at kitang- kita niya ng salubungin ng dalaga ng mainit na halik sa labi si Miguel. Namula si Kris sa galit. Alam niyang di tamang husgahan niya si Miguel agad- agad dahil iyon ang pagkakamali niya noon, pero yakap lang iyon eh, hindi na maipagkakaila ni Miguel na wala itong relasyon sa babae gayong halik na mismo ang nasasaksihan niya.

 

 

 

Nasaktan siya sa nakita kaya tumalikod nalang siya at naglakad patungong canteen. Baka pag magtagal pa siya doon ay di niya kayanin ang masasaksihan at maiyak siya sa kinatatayuan.

 

 

 

At dahil doon, hindi niya nakita ang pag hiklas ni Miguel ng mga braso ng dalaga sa nakapulupot sa leeg niya.

 

 

 

Nakita ni Miguel na tumalikod si Kris ng makita nito na sinalubong siya ng halik ni Lyza. Ex niya si Lyza, kasintahan niya ito noong 4th year highschool palang siya. And ang reason kaya nagkahiwalay sila nito ay nang makita niya itong may kahalikang ibang lalaki. Mula noon ay wala na siya balita dito. Kaya nagulat nalang siya ng salubungin siya nito ng halik pagkalabas niya sa room nila.

 

 

 

Alam niya galit si Kris na nakita at kailangan niyang magpaliwanag dito.”Teka nga Lyza ano bang ginagawa mo dito?”, naiinis na bulyaw ni Miguel kay Lyza.

 

 

 

“Hey. Is that how you greet your long- lost girlfriend?”, nakangiting saad ni Lyza kay Miguel Angelo.

 

 

 

“Pwede ba Lyza umalis kana dito, nananahimik na ako dito, at saka pwede ba, di na kita girlfreiend nuh!!! ”, galit na saad ni Miguel dito sabay talikod upang sundan si Kris.

 

 

 

Nakita niya itong nakaupo mag- isa sa isang table sa loob ng canteen. Agad- agad siyang lumapit dito.”Kris…..”, tawag niya dito. At halos madurog ang puso niya ng lumingon ito sa kanya at hilam ng luha ang mukha. Nakita niya ang sakit na nararamdaman nito.

 

 

 

Naiinis siya sa sarili na hinayaan niyang masaktan si Kris. “Pwede ba akong magpaliwanag?”. Tumango lang ito kaya umupo siya sa tabi nito. “Si Lyza yun, dati ko siyang kasintahan, noong highschool pa lang ako. Nahuli ko siyang may kahalikang ibang lalaki. So kung ano man ang iniisip mo, ito lang tandaan mo, ikaw lang ang mahal ko wala ng iba. Kung ano man ang nakita mo kanina wala yon, hindi  ko gusto yon.”

 

 

 

Unti-unting tumingin si Kris sa kanya, nakita niyang naiintindihan nito at naniniwala ito sa kanya.

 

 

 

 

“Pasensiya ka na Miguel huh, mahal lang siguro kita ng sobra- sobra, hindi sa wala akong tiwala sa iyo, pero ng makita ko kasi kayong naghahalikan, biglang uminit ang ulo ko.” Nakatungong pahayag ni Kris. Ngayong alam niya na ang lahat, hindi niya hahayaang sirain lng ng kung sinung herodes ang pagsasama nila ni Miguel.

 

 

 

 

“Salamat Kris, kaya nga ba mahal n amahal kita eh, tahan na huh,”pang-aalo nito sa kasintahan. “At saka sa susunod wag kang tatalikd,ipaglaban mo naman ako.”

 

 

 

 

“Alam ko Mike, sa susunod, hindi na ako tatalikod nalang, ganun kita ka mahal, kaya sana wag na wag mo akong sasaktan” nakangiti nang pahayag ni Kris.

 

 

 

 

Miguel!, ba’t ba iniwan mo nalang ako nang basta- basta dun!”, naiinis na litanya ni Lyza kay Miguel. Sinundan pala nito ang binata. “At saka sino yang yakap yakap mo? Taksil!” inis na pahayag ni Lyza.

 

 

 

 

“Ano ka ba Lyza, di ka ba nakaka intindi? Sabi nang umalis kana dito eh!”

Naiinis na bulyaw ni Miguel dito.

 

 

 

“Sandali lang Miguel, ako nang bahala dito.” Putol ni Kris sa iba pa sanang sasabihin ni Miguel dito.

 

 

 

 

“Hi Lyza, kung naaalala mo ako yung napagtanungan mo kanina” nakangiting pahayag ni Kris dito.

 

 

 

 

“So? Pakialam ko?”, taray na sagot ni Lyza kay Kris.

 

 

 

“Di mo naman kasi sinabi sa akin na si sweetheart pala ang hinahanap mo eh. Ako  nga pala ang girlfriend ni Miguel. So kung pwede lang umalis kana sa harapan namin at huwag mo na kaming guluhin pwede? Dahil baka sa susunod pagsisihan mo at tumuntung ka dito sa paaralan namin.” Buong taray na ring tugon ni Kris dito.

 

 

 

 

Naumid ata ang dila ni Lyza sa nakitang katapangan ni Kris. Hindi niya ina-asahang lalaban ito.

 

 

 

 

“Ano tutunganga ka na lang diyan? Alis na! O baka naman gusto mong ipakaladkad pa kita kay manong guard.” Inis na bulyaw ni Kris dito.

 

 

 

Agad- agad na umalis si Lyza sa harapan nito. Suko na siya, aminado siyang kahit papano ay natakot siya kay Kris. Palakpakan naman lahat ng nakasaksi sa pangyayaring iyon, kabilang na sina Alicia, Dainielle, Cassey, Althea at Sylvia. They are all happy for their friend. They just hope that someday makita rin nila ang mga prince charming nila.

 

 

 

“I’m proud of you love!” nakangiting pahayag ni Miguel Angelo kay Kris.

 

 

 

“Thanks..’’nakangiting pahayag ni Kris dito, kinilig siya ng marinig ang endearment na tinawag nito sa kanya.

 

 

 

 

“I will always love you Kris…..forever” masinsing pahayag ni Miguel Angelo.

 

 

 

 

Miguel, I promise to you na itatago ko ang pag-iibigan natin in a place called forever!”, malambing namang pahayag ni Kris.

 

 

 

“UUUUUyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy”sabay- sabay na tudyo ng mga school mate nila.

 

 

 

…………….FIN……………………..

 

 

 

  
Make a Free Website with Yola.